Huwebes, Marso 30, 2017

Ang Sanaysay

Ang Sanaysay



Ayon kay Alejandro Abadilla ang kahulugan ng salitang sanaysay ay " nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalayaay ". Ito ay nagsimula sa dalawang salita ang " sanay at pagsasalaysay".

Bakit maitutring na sanaysay ang talambuhay? Maaring maituring na sanaysay ang talambuhay dahil dito nakasaad o nakasalaysay ang ilan sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng Panitikang Pilipino ay ito'y, nagsasabi din itong kagamitan upang mailahad ang talambuhay ng isang bayani.

Bakit nilikha ang sanaysay upang magsilbing makinaryang-sermon, dayalogo, anekdotang moral at mga paliwanag ng mg prinsipyong katolisismo.


Noong ika-9 na sigli ginamit ang kilusang repormista ang sanaysay bilang lunan ng kanilang mga obserbasyon. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas , nagsikap ang mga mananakop, sa tulong ng mg pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon at wika na maaaeing ituro sa mga katutubo. Ilan sa mga ito ay ang " Dedarion de losmandamiendes de la ley de dios ", isang paliwanag ukol sa Sampung Utos at ang " Arte y de los lengua tagala".

Isa sa mga lumitaw na isyu sa Pilipinas tungkol dito ay ang paraan ng pagsasalaysay ng ibang kasayaayan tungkol sa mga bayani o tao dahil ilan sa mga ito ay mali ang impormasyon.


Ang pormal na sanaysay sa pangkalahatan ay madalas na nagsisilbing daluyan ng pagbabahagian ng impormasyon smantalang, sa personal o impormal na sanaysay, binibigyan ng kalayaan ang mananaysay sa kaniyanf pagkatha batay sa kaniyang karanasan.

 Madalas sulatin ang malikhaing sanaysay dahil ito ay may kakaibang paraaan sa pagsasalaysay kasama na dito ang mga napapanahong isyu na maaari mong ilathala sa paggawa o paggamit sa malikhaing pamamaraan.

Ang katangian ng malikhaing sanaysay at tulad ng tubig na naisasalin at binibigyang hugis ng kaniyang kinalalagyan, maluwag at umaangkop (flexible) anf malikhaing sanaysay. Anf malikhaing sanaysay ay nga salatsat na totoo o jindi kathang-isip na gumagamit ng mf estralehiya ar teknik ng maikling kwento (Hidalgo 2003-10)

 Itinuturing na malikhaing sanaysay ang BLOG/BLOGGING dahil dito kalimitang madalas na makikita ang mga malilikhaing pamamaraaan ng pagkukwento ng isang blogger tungkol sa kaniyang mga naging karanasan at lugar na napuntahan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento