Huwebes, Marso 30, 2017

Liham para sa Bagong Pangulo ng Pilipinas

Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,

Maraming eleksyon na ang nagdaan at kasabay niyon ay ang mga pangako sa mga mamamayan tungkol sa magigibg pagbabago at magandang kinabukasan ng bansa. Habang unti unti niyo pong pinupunan ang bawat araw at buwan sa inyong administrasyon ay kasabay rin ng hindi inaasahang pagbabago na tila nagpagimbal at patuloy na nagpapagimbal sa lahat.

Tila muling nabuhay ang kagustuhang makawala sa kamay ng isang diktator ang ilan sa mga mamamayanna hindi sang-ayon sa ipinatupad niyong "War on Drugs". Kasabay ng pagsugpo sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga ay "Extra Judicial Killings". Araw araw ay hindi ito nawawala sa balita.

Karamihan sa mga napapatay ay "inosente" o kaya naman ay "susuko rin naman" sabi pa ng ilang kamag anak.

Nagkaroon din ng curfew, na may layuning maging ligtas at makaiwas ang mga tao sa kapahamakan kapag gabi.

Hindi sang-ayon ang lahat sa "Extra Judicial Killings" sapagkat dapat pang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang isang nagkasala. Ngunit alam kong karamihan din ay sang-ayon sa inyong ipinatupad dah alam nilang magiging ligtas na tayo sa ating kapagiliran. Yung tipong lalabas ka ng bahay nang walang pangamba at takot.

Kahit sa social media ay naglipana ang mga iba't-ibang komenti tungkol sa inyong patakaran. Sinasabi pa ng ilan na tila unti- unting bumabalik sa panahon ng "Martial Law" ni Pangulong Marcos.

Isa lang pong katanungan ang nabuo sa isip ko, "Dito na po ba magsisimula ang malaking pagbabago na ipinangako niyo nung eleksyon?".

Sa tingin ko po ay mahirap maging isang pangulo gayunpaman ay umaasa akong mas magigung maganda ang susunod niyong hakbang.


Lubos na Gumagalang,

Roselyn Buiza

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento