Lunes, Pebrero 13, 2017

Ang Buhay ng Isang Suso o Snail


Ang suso o "snail" ay uri ng mga hayop na gumagapang.Ilan sa mga ito ay naninirahan sa kalupaan o katubigan.


Marami sa mga susong panlupa'y may  panlalaki at pambabaeng kasangkapang pamparami.Sila ay maaaring magparami kahit sa sarili lang nila.


Ang ilan sa kanila ay mag isang nabubuhay sa isang lugar.





Dumadating yung time nahuhulog sila sa puno kung saan sila kumukuha ng makakain.Ang ilan kase sa uri ng mga suso ay mahilig sa pagkain ng dahon.




Ang ilan ay pinipilit na bumangon mula sa pagkakahulog.




Mabagal man silang gumapang,meron pa rin silang pag-asang makakaakyat muli sa puno upang ipagpatuloy ang buhay.




Pilit na nag-su-survive.




Ngunit ang ilang ay namamatay dahil ilan sa mga ito pinapakialaman ng mga tao.





Tulad ng mga tao,ang mga suso ay sumasabay rin sa mga pagbabagong dumarating sa araw-araw nilang buhay.



                                                            Umulan man o umaraw.






Nananatiling matatag at handang harapin ang mga susunod pang bukas,

Ako at Ang Aking Sarili

Ako at ang Aking Sarili

Ako si Roselyn Buiza,18 taong gulang.Ipinanganak noong ika-16 ng Oktubre 1998.Nasa 5'3" ang taas ko."Mukhang mataray" ang kalimitang sinasabi ng iba tungkol sa hitsura ko.Minsam ay "mukhang tahimik/mabait",mga ganun.

Kung kalakasan ng katawan ang pag-uusapan ay mayro'n ako.Naging manlalaro kasi ako ng Archery nu'ng ako ay nasa Junior High.

Maayos din ang aking kalusugan.Hindi kasi makakalaro ang isang atleta kung siya ay may sakit o karamdaman.

Wala rin akong kahit anong bisyo.Pero nagkaroon ako ng isang problema nu'ng ako ay 3rd year.Na-"dislocate" kasi 'yung buto ng kamay ko mula sa "wrist" pero buti ay naibalil at naipagpatuloy ko ang paglalaro ng Archery.

Yung mga mata ko ang maituturing kong "greatest physical aspect".

Nasa "average level" ang IQ ko kung tatantiyahin.Hindi naman akk katalinuhan,kumbaga 'sapat lang'; Sapat lang para hindi bumagsak ang mga marka ko sa card at magkaroon ng magandang performance.

Masyadong malalim ang aking imahinasyon.May pagka-misteryoso padalos-dalos sa pagbibigay ng solusyon.

Marunong ako kumanta pero hindi kagalingan.Katulad ng IQ ko,average din lang.Sa pagsayaw naman ako hindi maaasahan.Ang biggest success ko sa buhay sa ngayon ay nakarating ako du'n sa mataas na level ng paglalaro,sa Palarong Pambansa sumunld dito ay ang maging Grade 10 Completer.

BIGGEST FAILURE ko sa buhay ay 'yung hind man lang ako nag-effort na ibigay 'yung besy ko sa paglalaro nu'ng ako ay nasa Grade 7.Dumating kasi 'yung time na nagkaroon ako ng insecurities sa sarili ko.

Hanggang ngayon ambisyom ko pa rin na maiparanas sa pamilya ko 'yung marangyang buhay.Ang biggest delusion ko ay 'yung magkatotoo ang istorya ng Twilight.May tatlong bagay akong kinatatakutan maliban sa Diyos ; yun ay 1.Habulin ng baka,2.Madikitan ng uod/bulate,3.Maiwan (emotionally).May tatlong bagay din na maaaring maging dahilan para magalit ako.Yun ay 1.Kapag ginaqa ang bagay na ayaw ko,2.Kapag pinakialaman ang gamit ako, at 3.Kapag hinahawakan ang buhok ko nang walang permiso.Ganun ako ka-weird.

Nagdudulot ng pagkapahiya pata sa akin ang makapukaw ng atensyon.Ayaw ko ng ga'nun.Pa sa'kin pantay-pantah ang lahat.

Ang greatest vice ko ay ang hindi paggaaa ng gawaing-bahay pero minsan lang.Naniniwala ako na darating ang araw at huhusgahan anv lahag ng mabuti at hindi mabuting tao.

Bihira lang akong magsuklay ng buhok lalo na sa pampublikong lugar.Iilang tao na malapit lang sa akin ang nakakaalam nu'n.

May tatlong bagay akong hinding hindi ko gagawin.Yun ay ang 1.Pumatay ng kapwa (syempre),2.Maging BF ang ex na ng bestfriend ko,at 3.Pumatol sa kapwa babae.Wala naman akong sikreto na maituturing na malupit.Chill lang.

Siguro 'yung lalaking may katamtamang katawan pero firm ang makakapagpa-turn on sa 'kin.

Nakatira ako sa Lucena.Semi-concrete lang ang bahay namin.Syempre nakatira ako kasama ang pamilya ko.Pinakamalapit sa'kin ang mga kapatid ko.Si mama ay may maliit na tindahan habang si Papa naman ay factory worker.

Masasabi kong naging maganda ang naging buhay ko dati bilang bata kahit minsan ay napapalo kasi pasaway.

Nung kabataan ko,si Mama ang nagkaroom ng impact sa akin kasi kapag nagkakamali kami dati nu'ng mga kapatid ko ay madalas niya kaming paluin.Pasalamat na rin ako lasi lumaki kaming may disiplina.

Sa pampubliko akong paaralan grumadweyt ng elementarya at Junior High.Naging maayos naman ang pag-aaral ko.Best subject ko ay English kasi dun ako aktibo lalo na kapagnoras ng klase samantalang Science namam ako medyo nagkakaproblema.

Hindi nan ako naging popular nu'ng Junior High pa ako.Hindi.ako masyadong sumasali sa mga aktibidad sa paaralan maliban sa paglalaro.

Yung coach ko nung high school ang nagkaroon ng impact sa'kin nung ako'y nag-aaral.Madalas kasi niyang ikumpara ang mga naging achievements ng dati niyang mga manlalaro.Yun yung nagtulak sa'kin na pagbutihin yung ginagawa ko.

Nagkaroom na ako ng first love pero hindk katulad ng iba,hindi naging ko nung crush ko.Walang M.U-M.U na naganap.Basta alam ko lang ay si JL 'yung first love ko.

May bestfriend ako;sina : Angelica,Dinah at Rikkie.Wala rin akong kaaway ngayon dahil hindi naman ako palaaway.Mahilig akong magbasa at makinig sa kanta lalo na at wala akong ginagawa.Ang kahuli-hulihang librong nabasa ko ay "I Kisses Dating Goodbye" ni Joshua Harris.Yung huling film naman na napanuod ko ay "Saw 4".Yung huling beses na pumunta ako sa party ay 'yung Christmas partt nu'ng section namin.

Yung crush ko 'yung most significant person sa buhay ko ngayon.Ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko kasama siya ay 'yung time na naglalaro kami ng volleyball.

Kung may babaguhin akong isang bagay sa mundo,'yun ay ang magkaroon ng katahimikan at kapayapaan sa mundo.

Matatagpuan sa Bel-air,Brgy.10,ang bahay namin.Nasa labing limang taon kami dito nakatira.Maliit lang bahay namin,basta ay kusina,palikuran etc.Yung iba naming kapitbahay ay ayos lang,'yung iba maingay,may mahilig makinig ng radyo with matching malakas na volumn para mas feel.Ang kasama ko lang sa bahay ay sina Mama,Papa,Si Ate,Si,Bebs,at 'yung bunso kong kapatid na lalaki.

May kasama kaming alagang hayop,dalawang pusa sina Zero ay Liit at isang aso,si Raru.

Maayos naman ang bahay namin pero kadalasan ay makalat dahil burara 'yung kapatid ko.Ako rin namam,minsan.Paborito kong parte ng bahay namin 'yung tindahan namin.Libre kasi ang pagkain ; wag ka lang magpapahuli kay Mama pero kadalasan ay okay lang sa kaniya.

Ang pinaka-memorable intimate encounter ko ay 'yung time na nagbahagi ako ng kwento sa ate ko bago kami natulog.Ang.most terrible act na nagawa ko sa bahah ay nu'ng nagsabunutan kami nu'ng ate ko nu'ng elementary pa kami.Pinakamsayang pangyayari sa bahay ay 'yung kapag kompleto kaming kumakain.

Diary ang madalas kong pinakatatago sa sulok ng bahah namin.Pero ngayon ay wala na akong diary.


Sa totoo lang ay sobra akong masaya kahit maliit lang yung tinitirhan naming bahay.Ang mahalaga ay kompleto kami.

Malamig,Mainit o Taglamig

Malamig,Mainit man o Taglamig

"Mahina ang kita",sabi ni Mang Rodel (hindi tunay na pangalan) na napakamot pa sa ulo pagkasabi niyon.Siya ay limampung taong gulang na isang ice cream vendor.


"Maulan kase at napakalamig pang panahon ngayon dahil magpapasko na"."Ilang taon na po ba kayong nagtitinda ng ice cream?" "Mahigit walong taon na din.Ito ang pampaaral ko sa mga anak ko eh" sabi pa niya na nakangiti na tila inaalala ang mga anak niya na nag-aaral."Pasalamat talaga ako sa Diyos na wala kaming mga sakit at kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw" "Ano po ang dati niyong trabaho bago kayo naging isang maglalako ng sorbetes?" "Ay nagku-kunstraksiyon.Isang  daan at singkwenta pesos kada araw,'yun ay magbubuhat-buhat ka ng sako-sakong semento".Isang araw ay nakita kon siyang nakatambay sa labas ng isang pampublikong paaralan sa Brgy.10.Dun ay mayroon siyang palabunutan na kapag nakakuha ka ng dalawahan o o isang numero ay may katumbas itong ice cream,"Yun ay kung suswertihin ka sa halagang piso kada isang bunot,"sabi ni Mang Rodel."Nagtitinda ako kahit maulan maaraw kase wala naman akong ibang mapagkukunan ng kakainin namin sa araw-araw.Si Misis naman ay nagtayo ng maliit na tindahan kase kadalasan ay wala akong naiuuwi".Napadako ang tingin ko sa mga paa niya at pudpud na parehas ng tsinelas "Kita mo at marami na akong kalyo.At sa dami na ng barangay na napagbebentahan ko ng paninda ko,napupudpud na din ang tsinelas ko.Sanay na ako dun.Halos malibot ko ang buong Lucena maubos lang ang paninda ko.Namumuhunan din kase kami sa ganito".Saka ko lang namalayan na mag-ga-gabi na pala."Ay siya,ako'y aalis na.Magsusulit pa ako ng mga nainenta ko ngayong araw.Umuwi ka na din ineng,baka hanapin ka sa inyo."Kasunod nu'n ay angasaya niyang pagbuhat muli sa paninda.

Sumasalamin sa Katotohanan

Sumasalamim sa Katotohanan

Noong ika-14 ng Enero 2017,nahuli kami sa pagdating sa sinehan.Buti na lang at hindk pa nagsisimula.Pumasok kami sa loob at may mangilan-ngilan nang naroon.Okupado ang upuan sa itaas sa parteng hulihan.Kaya minalas nang kauntian,sa medyo unahan kami napaupo.

Nagsimulang ipalabas sa malaking screen ang mga paalala sa mga manunuod bago magsimula.

Pagkatapos niyon ay nagsimula na ang palabas na "Taklub".Una,ipinakita ang isang sitwasyon kung saan may pamilyang nakulong sa loob ng tent na tinitirahan habang ito'y nasusunog.Ang eksenang iyon ang naginh hudyat sa'kin na baka "literal" na taklub ang ibig sabihin o ipaliwanag ng palabas.

Nais ipakita o ipaalam ng direktor ang sitwasyon ng mga tao sa Tacloban matapos silang salantahin ng bagyo.Si Bebeth,ang karakter na pinagganapan ni Nora Aunor ay ipinapakita ang pagiging matatag sa kabila ng pagkawala ng kaniyang mga anak.Nananatiling matatag ang mga tao sa Tacloban.

Ang pelikulang Taklub ay nagtapos sa paraang ang mga manunuod na ang bahalang mag-isip kung ano nga ba ang susunod na mangyayari sa mga tauhan.Ang film ay sumasalamin talaga sa totoong buhay na dinadanas ng mga totoong tao na nakaranas ng bagyo sa Tacloban.Ipinakikita na maaari ring magbago ang pananaw at paniniwala ng isang tao pagkatapos ng isang sakuna at karanasan.

Ang palabas ay nagpapakita ng naging karanasan nila : Ang paghahanap ng mga nawalang kaanak,ngunit sa huli ay nabibigo sila.Ang pagbabago ng pananaw sa buhay ng isang tao.

Lahat ng tao ay may mga iba't ibang pinagdadaanan sa buhay,mayroong halos magpakamatay na dahil sa matinding problema.Ngunit ang ilan ay nanatiling matatag at pinipilit na iahonang sarili,sapagka't naniniwala silang may pag-asa pa.Ilan sa mga pangyayari ng mensahe na dapat tayong maging matatag at maging malakas ang loob sa pagharap ng mga susunod pang pagsubok.Maganda talaga ang palabas,sapagka't pinapakita dito ang istorya ng mga totoong tao na maaari nating gawing inspirasyon sa buhay.Mayroon pang dahilan para ipagpatuloy ang ating buhay at iyon ay ang makatulong sa kapwa

Mga Pangyayari Noong Araw na Iyon

National Human Rights Day


Halos lahat ng mga kaklase ko ay nandun na sa lugar na pagdarausan ng 66th National Human Rights Day sa ikatlong palapag ng Pacific Mall.Habang nag-aayos ang ilang nag-o-organisa ng programa,naglalagay naman ang iba ng mga diyaryo sa lapag para hindi makulayan ang sahig sa gagawing "live painting".


Nagsimula ng programa sa isang pagbibigay kahulugan sa Human Rights ng isa sa mga nag-o-organisa.Sinabi niya na ng "Human Rights" ay tumutukoy sa mga karapatang pantao.Nabanggit din niya na marami ng nalalabag na karapatang pantao ang mga namumuno sa ating bansa.Habang hindi pa naihahanda ang isang pelikula na ipapanuod ay nagtawag muna sila sa mga gustong magbigay o magbahagi ng kani-kanilang talento.May tumula,kumanta at kung anu-ano pa.



Matapos ang pagpapakita ng talento,nakahanda na ang projector upang ipalabas ang pelikulang "Mga Kwentong Barbero" o "Barber's Tale" na patungkol sa isang matatag na babae na sa huli ay naging kasapi ng mga grupong tumataliwas sa "Martial Law" noong panahon ni dating Pangulong Marcos.Nagpalabas din sila ng maikling pelikula na tumutokoy sa paglabagsa karapatang pantao.



Sunod na nagpakilala sa aming unahan ay isang lalaki.German ang pangalan o Germ,Kuya Germ.Tinalakay niya ang pagkakatulad ng administrasyon ni Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos.Sa limang buwan na pamamalakad ni Duterte,umabot na sa limang libo at walong daan ang mga naging biktima ng "Extra Judicial Killings".


Sinabi pa niya na kung tutuusin ay mas marami ang namatay sa administrasyon ni Duterte kaysa sa panahon ng Martial Law.Tinanong niya ang lahat ng nakikinig,"Sino ang may kapatid dito na siyam na taong gulang?" ang ilan ay tumataas.Nabanggit niya na kasabay muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay ang pagpapababa ng edad ng isang tao mula 18 ay naging 9 na taong gulang ay maaari nang hulihin kapag ito'y lumabag sa batas.

Kasunod na ipinakilala ang mga organisasyong LGBT o Lesbian Gay Bisexual Transgender na may ipinaglalaban din na karapatang pan-tao.


Bandang alasais na ng gabi ay unti-unti na ring nababawasan ang mga manunuod.Ang ilan ay umuwi na.Kaming mga natira ay naglagay ng itim na tela sa ulo o kaya sa braso,may dalang kandila at mga karton na may naka-imprentang "Pride means Fight Back".


Kasabay ng pagmamartsa ay ang pagsigaw ng "AYOKO SA HUMAN RIGHTS VIOLATION" hanggang makarating sa lugar na pupuntahan.Sa baba makikita mo ang malaking tela na kulay pula na pininturahan ng mga salitang nais ipahiwatig ng organisasyon,mga salitang tumataliwas sa numumunong diktador.