National Human Rights Day
Halos lahat ng mga kaklase ko ay nandun na sa lugar na
pagdarausan ng 66th National Human Rights Day sa ikatlong palapag ng Pacific Mall.Habang
nag-aayos ang ilang nag-o-organisa ng programa,naglalagay naman ang iba ng mga
diyaryo sa lapag para hindi makulayan ang sahig sa gagawing "live painting".
Nagsimula ng programa sa isang pagbibigay kahulugan sa Human
Rights ng isa sa mga nag-o-organisa.Sinabi niya na ng "Human Rights"
ay tumutukoy sa mga karapatang pantao.Nabanggit din niya na marami ng nalalabag
na karapatang pantao ang mga namumuno sa ating bansa.Habang hindi pa naihahanda
ang isang pelikula na ipapanuod ay nagtawag muna sila sa mga gustong magbigay o
magbahagi ng kani-kanilang talento.May tumula,kumanta at kung anu-ano pa.
Matapos ang pagpapakita ng talento,nakahanda na ang
projector upang ipalabas ang pelikulang "Mga Kwentong Barbero" o
"Barber's Tale" na patungkol sa isang matatag na babae na sa huli ay
naging kasapi ng mga grupong tumataliwas sa "Martial Law" noong
panahon ni dating Pangulong Marcos.Nagpalabas din sila ng maikling pelikula na
tumutokoy sa paglabagsa karapatang pantao.
Sunod na nagpakilala sa aming unahan ay isang lalaki.German
ang pangalan o Germ,Kuya Germ.Tinalakay niya ang pagkakatulad ng administrasyon
ni Pangulong Duterte at dating Pangulong Marcos.Sa limang buwan na pamamalakad
ni Duterte,umabot na sa limang libo at walong daan ang mga naging biktima ng
"Extra Judicial Killings".
Sinabi pa niya na kung tutuusin ay mas marami ang namatay sa
administrasyon ni Duterte kaysa sa panahon ng Martial Law.Tinanong niya ang
lahat ng nakikinig,"Sino ang may kapatid dito na siyam na taong
gulang?" ang ilan ay tumataas.Nabanggit niya na kasabay muling
pagpapatupad ng parusang kamatayan ay ang pagpapababa ng edad ng isang tao mula
18 ay naging 9 na taong gulang ay maaari nang hulihin kapag ito'y lumabag sa batas.
Kasunod na ipinakilala ang mga organisasyong LGBT o Lesbian Gay
Bisexual Transgender na may ipinaglalaban din na karapatang pan-tao.
Bandang alasais na ng gabi ay unti-unti na ring nababawasan
ang mga manunuod.Ang ilan ay umuwi na.Kaming mga natira ay naglagay ng itim na
tela sa ulo o kaya sa braso,may dalang kandila at mga karton na may naka-imprentang
"Pride means Fight Back".
Kasabay ng pagmamartsa ay ang pagsigaw ng "AYOKO SA
HUMAN RIGHTS VIOLATION" hanggang makarating sa lugar na pupuntahan.Sa baba
makikita mo ang malaking tela na kulay pula na pininturahan ng mga salitang
nais ipahiwatig ng organisasyon,mga salitang tumataliwas sa numumunong
diktador.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento