Malamig,Mainit man o Taglamig
"Mahina ang kita",sabi ni Mang Rodel (hindi tunay
na pangalan) na napakamot pa sa ulo pagkasabi niyon.Siya ay limampung taong
gulang na isang ice cream vendor.
"Maulan kase at napakalamig pang panahon ngayon dahil
magpapasko na"."Ilang taon na po ba kayong nagtitinda ng ice cream?"
"Mahigit walong taon na din.Ito ang pampaaral ko sa mga anak ko eh" sabi
pa niya na nakangiti na tila inaalala ang mga anak niya na
nag-aaral."Pasalamat talaga ako sa Diyos na wala kaming mga sakit at
kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw" "Ano po ang dati niyong
trabaho bago kayo naging isang maglalako ng sorbetes?" "Ay
nagku-kunstraksiyon.Isang daan at singkwenta
pesos kada araw,'yun ay magbubuhat-buhat ka ng sako-sakong semento".Isang
araw ay nakita kon siyang nakatambay sa labas ng isang pampublikong paaralan sa
Brgy.10.Dun ay mayroon siyang palabunutan na kapag nakakuha ka ng dalawahan o o
isang numero ay may katumbas itong ice cream,"Yun ay kung suswertihin ka
sa halagang piso kada isang bunot,"sabi ni Mang Rodel."Nagtitinda ako
kahit maulan maaraw kase wala naman akong ibang mapagkukunan ng kakainin namin
sa araw-araw.Si Misis naman ay nagtayo ng maliit na tindahan kase kadalasan ay
wala akong naiuuwi".Napadako ang tingin ko sa mga paa niya at pudpud na
parehas ng tsinelas "Kita mo at marami na akong kalyo.At sa dami na ng
barangay na napagbebentahan ko ng paninda ko,napupudpud na din ang tsinelas
ko.Sanay na ako dun.Halos malibot ko ang buong Lucena maubos lang ang paninda ko.Namumuhunan
din kase kami sa ganito".Saka ko lang namalayan na mag-ga-gabi na pala."Ay
siya,ako'y aalis na.Magsusulit pa ako ng mga nainenta ko ngayong araw.Umuwi ka
na din ineng,baka hanapin ka sa inyo."Kasunod nu'n ay angasaya niyang pagbuhat
muli sa paninda.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento