Ako at ang Aking Sarili
Ako si Roselyn Buiza,18 taong gulang.Ipinanganak noong
ika-16 ng Oktubre 1998.Nasa 5'3" ang taas ko."Mukhang mataray"
ang kalimitang sinasabi ng iba tungkol sa hitsura ko.Minsam ay "mukhang
tahimik/mabait",mga ganun.
Kung kalakasan ng katawan ang pag-uusapan ay mayro'n ako.Naging
manlalaro kasi ako ng Archery nu'ng ako ay nasa Junior High.
Maayos din ang aking kalusugan.Hindi kasi makakalaro ang
isang atleta kung siya ay may sakit o karamdaman.
Wala rin akong kahit anong bisyo.Pero nagkaroon ako ng isang
problema nu'ng ako ay 3rd year.Na-"dislocate" kasi 'yung buto ng kamay
ko mula sa "wrist" pero buti ay naibalil at naipagpatuloy ko ang
paglalaro ng Archery.
Yung mga mata ko ang maituturing kong "greatest
physical aspect".
Nasa "average level" ang IQ ko kung
tatantiyahin.Hindi naman akk katalinuhan,kumbaga 'sapat lang'; Sapat lang para
hindi bumagsak ang mga marka ko sa card at magkaroon ng magandang performance.
Masyadong malalim ang aking imahinasyon.May pagka-misteryoso
padalos-dalos sa pagbibigay ng solusyon.
Marunong ako kumanta pero hindi kagalingan.Katulad ng IQ
ko,average din lang.Sa pagsayaw naman ako hindi maaasahan.Ang biggest success
ko sa buhay sa ngayon ay nakarating ako du'n sa mataas na level ng paglalaro,sa
Palarong Pambansa sumunld dito ay ang maging Grade 10 Completer.
BIGGEST FAILURE ko sa buhay ay 'yung hind man lang ako
nag-effort na ibigay 'yung besy ko sa paglalaro nu'ng ako ay nasa Grade
7.Dumating kasi 'yung time na nagkaroon ako ng insecurities sa sarili ko.
Hanggang ngayon ambisyom ko pa rin na maiparanas sa pamilya
ko 'yung marangyang buhay.Ang biggest delusion ko ay 'yung magkatotoo ang istorya
ng Twilight.May tatlong bagay akong kinatatakutan maliban sa Diyos ; yun ay
1.Habulin ng baka,2.Madikitan ng uod/bulate,3.Maiwan (emotionally).May tatlong
bagay din na maaaring maging dahilan para magalit ako.Yun ay 1.Kapag ginaqa ang
bagay na ayaw ko,2.Kapag pinakialaman ang gamit ako, at 3.Kapag hinahawakan ang
buhok ko nang walang permiso.Ganun ako ka-weird.
Nagdudulot ng pagkapahiya pata sa akin ang makapukaw ng atensyon.Ayaw
ko ng ga'nun.Pa sa'kin pantay-pantah ang lahat.
Ang greatest vice ko ay ang hindi paggaaa ng gawaing-bahay
pero minsan lang.Naniniwala ako na darating ang araw at huhusgahan anv lahag ng
mabuti at hindi mabuting tao.
Bihira lang akong magsuklay ng buhok lalo na sa pampublikong
lugar.Iilang tao na malapit lang sa akin ang nakakaalam nu'n.
May tatlong bagay akong hinding hindi ko gagawin.Yun ay ang
1.Pumatay ng kapwa (syempre),2.Maging BF ang ex na ng bestfriend ko,at
3.Pumatol sa kapwa babae.Wala naman akong sikreto na maituturing na malupit.Chill
lang.
Siguro 'yung lalaking may katamtamang katawan pero firm ang
makakapagpa-turn on sa 'kin.
Nakatira ako sa Lucena.Semi-concrete lang ang bahay namin.Syempre
nakatira ako kasama ang pamilya ko.Pinakamalapit sa'kin ang mga kapatid ko.Si mama
ay may maliit na tindahan habang si Papa naman ay factory worker.
Masasabi kong naging maganda ang naging buhay ko dati bilang
bata kahit minsan ay napapalo kasi pasaway.
Nung kabataan ko,si Mama ang nagkaroom ng impact sa akin kasi
kapag nagkakamali kami dati nu'ng mga kapatid ko ay madalas niya kaming paluin.Pasalamat
na rin ako lasi lumaki kaming may disiplina.
Sa pampubliko akong paaralan grumadweyt ng elementarya at
Junior High.Naging maayos naman ang pag-aaral ko.Best subject ko ay English
kasi dun ako aktibo lalo na kapagnoras ng klase samantalang Science namam ako
medyo nagkakaproblema.
Hindi nan ako naging popular nu'ng Junior High pa ako.Hindi.ako
masyadong sumasali sa mga aktibidad sa paaralan maliban sa paglalaro.
Yung coach ko nung high school ang nagkaroon ng impact sa'kin
nung ako'y nag-aaral.Madalas kasi niyang ikumpara ang mga naging achievements
ng dati niyang mga manlalaro.Yun yung nagtulak sa'kin na pagbutihin yung ginagawa
ko.
Nagkaroom na ako ng first love pero hindk katulad ng
iba,hindi naging ko nung crush ko.Walang M.U-M.U na naganap.Basta alam ko lang
ay si JL 'yung first love ko.
May bestfriend ako;sina : Angelica,Dinah at Rikkie.Wala rin
akong kaaway ngayon dahil hindi naman ako palaaway.Mahilig akong magbasa at
makinig sa kanta lalo na at wala akong ginagawa.Ang kahuli-hulihang librong
nabasa ko ay "I Kisses Dating Goodbye" ni Joshua Harris.Yung huling
film naman na napanuod ko ay "Saw 4".Yung huling beses na pumunta ako
sa party ay 'yung Christmas partt nu'ng section namin.
Yung crush ko 'yung most significant person sa buhay ko
ngayon.Ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko kasama siya ay 'yung time na
naglalaro kami ng volleyball.
Kung may babaguhin akong isang bagay sa mundo,'yun ay ang
magkaroon ng katahimikan at kapayapaan sa mundo.
Matatagpuan sa Bel-air,Brgy.10,ang bahay namin.Nasa labing
limang taon kami dito nakatira.Maliit lang bahay namin,basta ay kusina,palikuran
etc.Yung iba naming kapitbahay ay ayos lang,'yung iba maingay,may mahilig
makinig ng radyo with matching malakas na volumn para mas feel.Ang kasama ko
lang sa bahay ay sina Mama,Papa,Si Ate,Si,Bebs,at 'yung bunso kong kapatid na
lalaki.
May kasama kaming alagang hayop,dalawang pusa sina Zero ay
Liit at isang aso,si Raru.
Maayos naman ang bahay namin pero kadalasan ay makalat dahil
burara 'yung kapatid ko.Ako rin namam,minsan.Paborito kong parte ng bahay namin
'yung tindahan namin.Libre kasi ang pagkain ; wag ka lang magpapahuli kay Mama
pero kadalasan ay okay lang sa kaniya.
Ang pinaka-memorable intimate encounter ko ay 'yung time na
nagbahagi ako ng kwento sa ate ko bago kami natulog.Ang.most terrible act na
nagawa ko sa bahah ay nu'ng nagsabunutan kami nu'ng ate ko nu'ng elementary pa
kami.Pinakamsayang pangyayari sa bahay ay 'yung kapag kompleto kaming kumakain.
Diary ang madalas kong pinakatatago sa sulok ng bahah namin.Pero
ngayon ay wala na akong diary.
Sa totoo lang ay sobra akong masaya kahit maliit lang yung
tinitirhan naming bahay.Ang mahalaga ay kompleto kami.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento